bin picking-Lalaking ‘nag-aalok ng trabaho’ pero pakay ang pagnanakaw, timbog

bin picking-Lalaking ‘nag-aalok ng trabaho’ pero pakay ang pagnanakaw, timbog

Watch more in iWantv or TFC.tv

Naaresto ng Quezon City police ang isang lalaking nagkukunwaring magbibigay ng trabaho sa mga biktimang pagnanakawan lang pala niya.

Kinilala ang suspek bilang si Rhumdell Aquino na modus ay makipagkita sa kaniyang mga biktima at kumbinsihin ang mga ito na iwan ang kanilang mga gamit sa kaniya para kaniyang tangayin.

Nahuli noong Linggo sa isang mall sa lungsod si Aquino matapos mabisto ng dapat sana'y biktima niya ang kaniyang modus.

Ipinadampot si Aquino sa mga pulis at security guard ng mall.

"Aalis naman itong mga biktima, naiiwan nila 'yong laptop nila sa kaniya then pag-alis nila, saka naman ito sasalisi," sabi ni Superintendent Rodolfo Soriano, hepe ng Quezon City Police District (QCPD) Station 2.

Nakuhanan pa ng CCTV ng isang mall ang pambibiktima ni Aquino sa isang lalaki.

Mapapanood ang dalawa sa kuha ng CCTV na nag-uusap sa loob ng isang restoran bago tila utusan ni Aquino ang biktima na lumabas at iwan ang kaniyang mga gamit.

Kuwento ng biktima, na natangayan ng laptop, nagpanggap umano si Aquino na pharmaceutical manager at magbibigay ng trabaho na may sahod na P36,000.

Nilibre pa raw siya ng suspek sa restoran para mas mapaniwala siya.

"May kukunin daw kaming payment doon sa isang botika. Sabi no'ng cashier, wala naman daw gano'ng pangalan. 'Pag dating ko, wala na siya," kuwento ng biktima.

Dalawa pang biktima ang lumutang sa QCPD Station 2 dahil sa parehong modus ng suspek.

"Nagtiwala ako kasi marami siyang pinapakitang picture," sabi ng isa pang biktima.

Ayon kay Aquino, pinagsisihan niya ang kaniyang mga nagawa.

Nanawagan ang Quezon City police sa iba pang biktima na magtungo sa kanilang tanggapan para magsampa ng karagdagang kaso.

— Ulat nina Doland Castro at Oman Bañez, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.

CompanyProductFunctiontop keyword
Solomon 3dbin pickingai visionrobot vision
Pixx itbin pickingai visionrobot vision
Keyxxxxbin pickingai visionrobot vision
Visxxxbin pickingai visionrobot vision
Fuxxbin pickingai visionrobot vision
Muxxxbin pickingai visionrobot vision
Caxxxbin pickingai visionrobot vision

bin picking