bin picking-Misis ng pastor na ‘tumangay’ ng P25 milyon, inireklamo

bin picking-Misis ng pastor na ‘tumangay’ ng P25 milyon, inireklamo

Watch more in iWantv or TFC.tv

Nagreklamo sa National Bureau of Investigation (NBI) ang mga miyembro ng isang Christian church sa Bulacan matapos umanong tangayin ng asawa ng kanilang pastor ang perang kanilang in-invest sa negosyo nito.

May 10 miyembro ng naturang simbahan ang dumulog sa NBI para ireklamo ang suspek na si Joan Agustin Solangon, na nangako sa mga biktima na tutubo sila ng walo hanggang 15 porsiyento sa negosyo niyang foreign exchange. 

Pinalabas din daw ni Solangon na tulong ito sa simbahan.

"Nakakalungkot saka nakakahiya kasi siyempre bakit pa niya ginamit 'yong sa church namin? Bakit niya ginamit iyon para lang makabiktima bago siya umalis?" anang biktimang si alyas "Mona." 

Nasa 50 ang nabiktima ng suspek sa magkakahiwalay na transaksiyon ng investment at pautang mula 2016.

Hindi na raw makapagbayad si Solangon mula noong Abril at biglang nawala noong Mayo.

Maging ang kaniyang mister na pastor ay idineklara siyang missing at gusto na siyang mahuli.

"Mahirap po kasi ako po lahat ang humarap sa mga tao. 'Yong ibang tao nawalan na rin ng tiwala sa 'kin kasi nga asawa ko siya," sabi ni JB Solangon, asawa ng suspek. 

Nag-iwan ang suspek ng liham na nagsasabing biktima din daw siya pero walang binanggit na iba pang detalye. 

Wala ring sinabi kung saan napunta ang tinatayang aabot sa P25 milyon na nakuha mula sa mga biktima.

Itinanggi rin ng pastor na may alam siya sa mga ginawa ng misis.

"Hindi ko talaga alam kung saan niya dinala at nagulat na lang ako na umabot na po nang ganoon kalaki," ani JB.

Nahaharap sa patong-patong na kasong estafa ang suspek, na tinutugis na ng NBI.

–Ulat ni Niko Baua, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.

CompanyProductFunctiontop keyword
Solomon 3dbin pickingai visionrobot vision
Pixx itbin pickingai visionrobot vision
Keyxxxxbin pickingai visionrobot vision
Visxxxbin pickingai visionrobot vision
Fuxxbin pickingai visionrobot vision
Muxxxbin pickingai visionrobot vision
Caxxxbin pickingai visionrobot vision

bin picking