bin picking-Security guard, arestado sa panghahalay umano sa dalagita sa ospital

bin picking-Security guard, arestado sa panghahalay umano sa dalagita sa ospital

GENERAL SANTOS CITY – Arestado ang isang miyembro ng Civil Security Unit (CSU) ng lungsod matapos umanong ilang beses halayin ang isang 17 taong gulang na babae sa isang pampublikong ospital.

Huwebes ng gabi nang dalawin ni alyas "Tina" sa Dr. Jorge P. Royeca Hospital ang kanyang kamag-anak na nakatakdang manganak.

Nagtanong umano ito sa suspek na si Marvin Rodino kung saan makikita ang birthing room, pero dinala umano siya sa ikalawang palapag ng ospital kung saan madilim at walang tao.

Hindi na rin umano nagawa ng biktima na humingi ng saklolo dahil nanghina na ang kanyang katawan. Makailang ulit pa umano siyang binalik-balikan ng suspek.

Matapos ang panghahalay ay lumabas siya ng silid at dito na nakahingi ng saklolo.

Nakita ng kanyang ina sa emergency room si Tina. Dito na niya naikuwento ang nangyari sa kanya.

Agad namang rumesponde ang mga pulis at nadakip si Rodino na kasalukuyang nakakulong sa Police Station 3 sa lungsod.

Sinibak na rin siya sa puwesto habang iniimbestigahan ang kaso.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.

CompanyProductFunctiontop keyword
Solomon 3dbin pickingai visionrobot vision
Pixx itbin pickingai visionrobot vision
Keyxxxxbin pickingai visionrobot vision
Visxxxbin pickingai visionrobot vision
Fuxxbin pickingai visionrobot vision
Muxxxbin pickingai visionrobot vision
Caxxxbin pickingai visionrobot vision

bin picking