bin picking-OFW na napatay sa Slovakia, nailibing na

bin picking-OFW na napatay sa Slovakia, nailibing na

Inilibing na Sabado ng umaga ang mga labi ni Henry John Acorda, ang OFW na namatay sa pambubugbog ng isang Slovak national sa Bratislava, Slovakia. Larawan mula kay Bayan Patroller Rogelio San Mateo

MAYNILA – Inihatid na sa huling hantungan ang labi ng napatay na overseas Filipino worker na si Henry John Acorda sa Heritage Park, Taguig City, Sabado ng umaga.

Sa mga larawang kuha ni Bayan Patroller Rogelio San Mateo, makikitang nakasuot ng puting t-shirt na may nakatatak na “Justice for Henry” ang mga kaanak ni Acorda at ilang mga nakipaglibing.

'Henry is home': Remains of Filipino beaten to death in Slovakia arrive in PH

Nakiramay si San Mateo bilang pag-respeto sa kababayan niyang taga-Taguig. 

Namatay si Acorda noong Mayo 31, ilang araw matapos na bugbugin ng isang Slovak national sa Bratislava, Slovakia nang ipagtanggol niya ang kaibigang Pilipina na hina-harass ng suspek.

Mismong si Prime Minister Peter Pelligrini ng Slovakia ang nangako sa gobyerno ng Pilipinas na bibigyang hustisya ang pagkamatay ni Acorda. 

Marami ring mga Slovak ang nakiramay sa pagpanaw ni Acorda at nag-alay ng bulaklak at nagsindi ng kandila sa lugar kung saan ito binugbog. 

Naaresto na ang suspek. 

IN PHOTOS: Slovaks' outpouring of support for Pinoy expat

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.

CompanyProductFunctiontop keyword
Solomon 3dbin pickingai visionrobot vision
Pixx itbin pickingai visionrobot vision
Keyxxxxbin pickingai visionrobot vision
Visxxxbin pickingai visionrobot vision
Fuxxbin pickingai visionrobot vision
Muxxxbin pickingai visionrobot vision
Caxxxbin pickingai visionrobot vision

bin picking