bin picking-Suspek sa pagpatay, arestado sa QC

bin picking-Suspek sa pagpatay, arestado sa QC

MANILA – Nakakulong sa Camp Karingal sa QCPD ang isang lalaking suspek sa pagpatay sa dating kasintahan ng kanyang live-in partner.

Kinilala ang suspek sa alyas na Layson, 30 anyos, habang kinilala naman ang biktimang si Ramil Alcala, na idineklarang dead on the spot matapos masaksak sa ibat ibang bahagi ng katawan.

Batay sa inisyal na imbestigasyon, pinuntahan ni Layson si Alcala sa bahay matapos umanong malamang may pagtingin pa rin ito sa dating kasintahan. 

Nagtalo ang dalawa at dito na pinagsasaksak ni Layson si Alcala. 

Agad na tumakas ang suspek, pero matapos lang ang ilang oras mismong live in partner nito ang lumapit sa mga pulis at sinabing makikipagkita sa kanya ang suspek sa isang kilalang mall sa Quezon City. Dito na naaresto ang suspek. 

Ayon sa live-in partner ng suspek, isang buwan na silang hiwalay dahil na rin sa mga pagbabanta nito kapag ito ay nagseselos.

Napag-alaman namang dati nang inireklamo ng physical injury ni Alcala ang suspek.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.

CompanyProductFunctiontop keyword
Solomon 3dbin pickingai visionrobot vision
Pixx itbin pickingai visionrobot vision
Keyxxxxbin pickingai visionrobot vision
Visxxxbin pickingai visionrobot vision
Fuxxbin pickingai visionrobot vision
Muxxxbin pickingai visionrobot vision
Caxxxbin pickingai visionrobot vision

bin picking