bin picking-VIRAL: Motorcycle rider, pinagsusuntok ng driver ng kotse

bin picking-VIRAL: Motorcycle rider, pinagsusuntok ng driver ng kotse

Watch more in iWantv or TFC.tv

Nag-viral sa social media ang video ng isang driver ng kotse na pinagsasapak ang isang motorcycle rider sa Parañaque City dahil umano sa simpleng alitan.

Sa cellphone video na ibinahagi ni Ghelo Regulacion, makikita ang panununtok ng lalaking driver ng AUV sa lalaking nakamotorsiklo sa may Dr. A. Santos Avenue noong Biyernes. Hunyo 22.

Nahulog pa ang helmet ng nakamotorsiklo bago siya hinatak ng driver ng kotse at tila inakbayan nang mahigpit.

Hindi naman gumanti ang nakamotorsiklo.

Nagdulot ng pagbagal sa trapiko ang alitan at kumalma lang ang motorista nang may napadaang pulis.

Nagkasundo umano ang magkabilang partido na mag-usap sa barangay pero hindi sumipot ang driver ng kotse.

Kuwento ng nakamotorsiklong si alyas "John," panay umano ang busina at pagmumura sa kaniya ng driver ng kotse dahil sa mabagal niyang takbo habang naghahanap ng U-turn slot.

"Mali ako doon sa pag-U-turn. Sabi ko nga sa kaniya noong sa site, 'Sir, madali naman ako kausap, sana kinausap mo naman ako kaso ang problema sinaktan mo na ako,'" sabi ni John.

Ayon naman sa driver ng kotse, uminit ang kaniyang ulo dahil muntik nang magkaroon ng aksidente nang biglang tumigil ang motorsiklo.

Dagdag pa ng driver ng kotse, nais niyang makipag-areglo sa nakaalitang motorista.

— Ulat ni Jerome Lantin, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.

CompanyProductFunctiontop keyword
Solomon 3dbin pickingai visionrobot vision
Pixx itbin pickingai visionrobot vision
Keyxxxxbin pickingai visionrobot vision
Visxxxbin pickingai visionrobot vision
Fuxxbin pickingai visionrobot vision
Muxxxbin pickingai visionrobot vision
Caxxxbin pickingai visionrobot vision

bin picking