bin picking-Karapatan, benepisyo ng solo parent, hiling dagdagan

bin picking-Karapatan, benepisyo ng solo parent, hiling dagdagan

Watch more in iWantv or TFC.tv

Gusto ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) na mabago ang batas sa solo parent upang madagdagan pa ang mga nakapaloob ditong mga karapatan at benepisyo para sa mga magulang na mag-isang nagtataguyod sa anak o kaya'y guardian ng mga edad 18 pababa.

Ayon sa DSWD, sa kasalukuyang batas, puwedeng mag-apply ng solo parent ID ang mga: namatayan ng asawa; naging biktima ng pang-aabuso; inabandona ng asawa; nakulong ang asawa dahil sa krimen; hiwalay sa asawa, annulled man o hindi; at isang miyembro ng pamilya na itinuturing na guardian ng batang edad 18 pababa.

Magkaiba naman ang benepisyo ng working at non-working na solo parent. 

Para sa non-working solo parent, maaari siyang makakuha ng educational assistance, medical assistance, livelihood assistance, at special projects tulad ng temporary shelter at psychological services. 

Dagdag naman sa benepisyo ng working solo parent ang parental leave, flexible work schedule, at proteksiyon laban sa diskriminasyon sa trabaho. 

"Ang solo parent, mayroon ding protection against discrimination kasi hindi maiiwasan na kahit saan, mayroong stigma sa ating solo parents," ani Lydia Rubio, Social Welfare Officer IV for Family and Community.

Isa ang grupong National Council for Solo Parents sa mga nagbibigay ng libreng seminar para maipaalam ang mga karapatan at benepisyong maaaring makuha ng isang single parent.

"Wala pong changes na nangyari, so nagbago 'yong society, nagbago 'yong ating family structure pero 'yong batas, it remained the same," ani Ernest de Guzman, secretary general ng National Council for Solo Parents.

Umaasa rin kasi ang ilang solo parent na rerepasuhin ng gobyerno ang mga probisyong nakapaloob sa batas para matukoy kung alin ang dapat pang baguhin para mas matulungan ang mga mag-isang nagpapalaki ng mga anak o kaanak na menor de edad.

"Mahirap kasi saan mo kukuhanin 'yong pambayad ng ilaw, pambayad ng tubig?" ani Margarita Anis, solo parent. "Napakahirap dahil ang anak ko, hindi na rin nakaaral noon."

"Kung may magba-back up or tutulong sa mga ordinaryo nating solo parent, tingin ko makakatulong yan," sabi ng isa pang solo parent na si Precy de Guzman.

— Ulat ni Winnie Cordero, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.

CompanyProductFunctiontop keyword
Solomon 3dbin pickingai visionrobot vision
Pixx itbin pickingai visionrobot vision
Keyxxxxbin pickingai visionrobot vision
Visxxxbin pickingai visionrobot vision
Fuxxbin pickingai visionrobot vision
Muxxxbin pickingai visionrobot vision
Caxxxbin pickingai visionrobot vision

bin picking