bin picking-SAPUL SA CCTV: Tanauan mayor, nakatakbo pa nang barilin

bin picking-SAPUL SA CCTV: Tanauan mayor, nakatakbo pa nang barilin

Sniper nasa damuhan, umasinta habang flag ceremony 

"Walk of shame" pinasikat ng mayor 

Mayor, nagsabing takot mapaslang matapos idawit sa droga 

Nakuhanan sa CCTV ang mga tagpo matapos mabaril si Tanauan City, Batangas Mayor Antonio Halili.

Watch more in iWantv or TFC.tv

Makikitang nakatayo si Halili sa unahan ng formation para sa flag ceremony sa city hall nang bigla siyang napayuko at napatakbo hanggang sa siya'y tumumba.

Tinamaan na pala siya ng bala sa dibdib habang noo'y inaawit ang "Lupang Hinirang."

Nagkagulo na at nagtakbuhan ang mga tao sa flag ceremony matapos umalingawngaw ang putok ng baril at makita nilang inasinta ang alkalde.

Sa isa pang video, makikitang nagtakbuhan ang mga bodyguard ni Halili habang nagkakaputukan.

Katabi naman ni Halili si Vice Mayor Jhoanna Corona Villamor nang mangyari ang pamamaril.

"Nakita ko na lang si mayor na hawak niya 'yong dibdib niya… tapos nakita ko na 'yong gunshot wound na mayroon sa dibdib niya," ani Villamor. 

Agad dinala sa ospital ang alkalde pero idineklarang dead on arrival ng doktor.

Ayon kay Chief Superintendent Edward Carranza, Calabarzon Philippine National Police (PNP) regional director, tumama pa sa cellphone ni Halili ang bala na tumagos sa kaniyang dibdib.

"It must undergo autopsy report," ani Carranza.

Dumating sa hospital ang pamilya ni Mayor pero tumanggi muna silang humarap sa media.

Ikinalungkot at ikinagulat ng mga taga-Tanauan ang nangyari kaya hiling nila na mabigyan ng hustisya ang pagkamatay ng alkalde.

Naka-half mast ang bandila ng city hall bilang pagpapakita ng pagdadalamhati.

MOTIBO SA PAMAMARIL

Watch more in iWantv or TFC.tv

Bumuo na ng Special Investigation Task Group Halili ang PNP para sa pagtugis sa mga suspek na gumamit ng sniper para patayin si Halili.

Tiniyak din ng Calabarzon PNP ang seguridad sa city hall.

Kabilang sa mga tinitingnang anggulo ng task group ay ang pulitika, ganti ng mga kaaway, o pagkakasangkot sa "narco-list."

"Marami po tayong tinitingnang motibo diyan, 'yon pong kasama siya sa listahan, mayroon din po siyang shame campaign dito sa Tanauan, at maaari pong sa politika. Lahat po 'yan ay ating bubusisiin," ani Carranza.

Batay sa inisyal na imbestigasyon ng pulis, sa masukal na bakanteng lote pumuwesto ang sniper ng may 150 hanggang 200 metro ang layo mula sa kinatatayuan ng alkalde.

"Mayroon pong butas kung saan kasyang-kasya lang isuksok ang baril na ginamit," ani Carrnaza.

Kinondena naman ng Palasyo ang pagpatay sa alkalde at nangako ng mabilisang imbestigasyon at paglilitis sa mga taong may kinalaman sa krimen.

"Nangangako po ang Palasyo na bibigyang katarungan ang kaniyang pagkamatay. Magkakaroon po ng mabilisang imbestigasyon at paglilitis doon sa mga tao na responsable sa pagpatay na ito," ani presidential spokesperson Harry Roque.

Ayon naman sa Bayan Muna party-list, patunay ang nangyaring pamamaril na may state of impunity sa bansa lalo't wala na umanong ligtas kahit pa pari, mayor, o ordinaryong mamamayan.

"Hindi safe lahat, ma[pa]-mayor ka man, ma[pa]-pari ka man o ordinaryong mamamayan at dapat ito ang pagtuunan talaga ng pansin ng ating pamahalaan, ng hierarchy ng kapulisan, itong lumalalang krimen hindi iyong mga istambay," ani Bayan Muna party-list Rep. Carlos Zarate.

"Sa susunod na araw, sino na naman ang susunod na tutumba diyan? So it's a failure ng anti-crime campaign," aniya.

Kinondena rin ng ilang senador ang nangyari at nababahala sila sa nangyayaring karahasan.

Nanawagan din ang Human Rights Watch sa agaran at masusing imbestigasyon sa pagpatay kay Mayor Halili.

"The killing this morning of Tanauan City Mayor Antonio Halili, like the thousands of killings in the "war on drugs" of the Duterte administration, demands immediate and thorough investigation by Philippine authorities," pahayag ni Carlos Conde, researcher ng Human Rights Watch.
 
Ilang residente ng lungsod naman ang nagmartsa sa tinawag nilang “walk of truth” para magpahayag ng suporta sa kanilang alkalde. 

'WALK OF SHAME'

Watch more in iWantv or TFC.tv

Naging kontrobersiyal si Halili dahil sa kanyang "walk of shame" o ang pagpaparada sa mga umano'y sangkot sa krimen.

Nagsimula ang kontrobersiyal na walk of shame noong Pebrero 2014 kung kailan ipinarada sa Tanauan ang isang lalaking nahuli dahil sa pagnanakaw ng tuyo sa palengke habang nakasuot ng karatulang may nakasulat ng krimeng kinasasangkutan niya.

Hunyo 2015, na-walk of shame din ang isang lalaking nahuli umanong nagnakaw ng kable ng kuryente.

At noong Abril 2016, ipinarada ang isa umanong rapist.

Ayon kay Halili, tinuturuan niya ng leksiyon ang mga sangkot sa krimen para hindi na pamarisan.

Pero ayon sa Commission on Human Rights (CHR) noon, maaaring pumasok sa mental torture ang shame campaign ng alkalde.

Matapos ang kanilang imbestigasyon sa dalawang unang insidente ng walk of shame, inirekomenda ng CHR sa Department of the Interior and Local Government (DILG) at Ombudsman na kasuhan si Halili.

Sinabi noon ni Halili na handa siyang harapin ang kasong administratibo pero hindi siya titigil sa kaniyang naiibang parusa.

Isinailalim din niya sa walk of shame ang mga sangkot umano sa ilegal na droga.

Nagpahayag ng suporta sa kampanya ni Halili ang noo’y kapapanalo lang sa eleksiyon na si Pangulong Rodrigo Duterte.

"Sa iba, baka talagang hindi puwede, but kung ginawa niya, ok lang, and I will support him and give him all the legal advice, a lawyer, kasi ako, galit din talaga ako sa droga, baka hindi na lang kita i-parade, i-deretso na lang kita," ani Duterte noong Mayo 24, 2016.

Pero noong Nobyembre 2017, napasama si Halili sa listahan ng National Police Commission (Napolcom) ng mga politikong umano'y protektor o sangkot sa ilegal na droga.

Tinanggalan sila ng police operational supervision and control power.

Itinanggi ng alkalde ang alegasyon at kinuwestiyon ang basehan ng resolusyon ng Napolcom.

Paniwala niya, politika ang nasa likod ng pagkadawit niya sa listahan.

Noon pa lang, nangangamba na rin si Mayor Halili sa kanyang kaligtasan.

"Sino ba naman ang hindi matatakot? E anytime, I can be killed I can be shot, by the police," ani Halili sa isang panayam noong Nobyembre 7, 2017.

Nito lang Biyernes, Hunyo 29, pinangunahan ni Halili ang oath-taking ceremony ng mga bagong barangay at SK officials ng lungsod.

Ipinaalala pa niya na paigtingin ang kampanya laban sa ilegal na droga bago siya nabaril at napatay nitong umaga ng Lunes.

— Ulat nina Fay Virrey, Val Balita, Kevin Manalo, at Oman Bañez, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.

CompanyProductFunctiontop keyword
Solomon 3dbin pickingai visionrobot vision
Pixx itbin pickingai visionrobot vision
Keyxxxxbin pickingai visionrobot vision
Visxxxbin pickingai visionrobot vision
Fuxxbin pickingai visionrobot vision
Muxxxbin pickingai visionrobot vision
Caxxxbin pickingai visionrobot vision

bin picking