bin picking-Mga bagong plaka, sinimulan nang ipamahagi sa car dealers sa Central Visayas

bin picking-Mga bagong plaka, sinimulan nang ipamahagi sa car dealers sa Central Visayas

Sinimulan na ang pag-distribute ng mga plaka ng sasakyan sa mga car dealer sa Central Visayas nitong Huwebes.

Ginawa ang ceremonial turnover ng mga plaka sa opisina ni Presidential Assistant for the Visayas Michael Dino.

Ibinigay ng Land Transportation Office 7 ang mga plaka sa mga representante ng mga car dealer at ipinakita sa media ang tamang paraan ng pagkakabit nito na tanging mga car dealer lamang ang pinahihintulutan ng LTO.

Sa ngayon, nasa 17,396 na mga plaka ng sasakyan ang ibinigay ng LTO. Para ito sa mga sasakyang nakarehistro noong Hulyo hanggang Disyembre 2016. 

Aabot sa 18,412 ang kabuuan ng registered vehicles sa rehiyon sa panahong ito. Nangangahulugan ito na may mahigit 1,000 pang kulang na plaka.

Ayon kay Dino, unti-unti nang nareresolba ang problema ng LTO sa mga plaka. Para sa mga sasakyang narehistro bago ang Hulyo 2016, posibleng mareresolba na rin ang kaso laban sa supplier nito sa susunod na taon.

Ayon naman kay LTO-7 Regional Director Victor Caindec, uunahin nila sa pamamahagi ang mga backlog hanggang sa ma-normalize ang pamamahagi ng mga plaka.

Dagdag ng LTO, may mahigit pa sa 60,000 na rehistradong sasakyan mula 2017 hanggang Mayo ng taong ito na kailangang bigyan ng mga plaka. Hindi pa kasama dito ang mga nakarehistrong motorsiklo.

Ibinida naman ng LTO ang modern features ng mga plaka.

Para sa Region 7, magsisimula ang mga plaka sa letrang "G". Bawat plaka may naka-assign na bar code. May kasama ring Radio Frequency Identification ang mga ito na ilalagay sa windshield ng mga sasakyan.

Payo ng LTO sa mga may-ari ng mga sasakyan, tumawag sa kanilang mga car dealer para malaman kung meron nang plaka ang kanilang mga sasakyan.

Dagdag ni Caindec at Dino, sa susunod na taon, itatayo sa Cebu ang isang pasilidad ng LTO na gagawa ng mga plaka. Sa pamamagitan nito, mas mabilis at madali na lang ang pagbibigay nito sa mga rehistradong sasakyan.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.

CompanyProductFunctiontop keyword
Solomon 3dbin pickingai visionrobot vision
Pixx itbin pickingai visionrobot vision
Keyxxxxbin pickingai visionrobot vision
Visxxxbin pickingai visionrobot vision
Fuxxbin pickingai visionrobot vision
Muxxxbin pickingai visionrobot vision
Caxxxbin pickingai visionrobot vision

bin picking