bin picking-Lalaking nag-aalok ng ‘instant passport,’ huli

bin picking-Lalaking nag-aalok ng ‘instant passport,’ huli

Watch more in iWantv or TFC.tv

Inaresto ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) ang isa umanong miyembro ng sindikatong nag-aalok ng "instant" o mabilisang pasaporte.

Nahuli sa entrapment operation ang suspek na si Roel Pinlac matapos tumanggap ng bayad mula sa biktimang si alyas "Faye." 

Natuklasan din ng mga awtoridad na nagsasagawa ang sindikato ng modus na "baklas passport," kung saan ibinibigay sa mga biktima ang mga tunay na pasaporteng dating pag-aari ng ibang tao. 

"Lumalabas na itong passport ay dati nang na-issue sa isang tao. Lumalabas na tunay ang passport, may isang tao na nagmamay-ari nito pero ito ngayon ay na-issue na sa biktima. Iba na ang pangalan, iba na ang mukha sa passport," sabi ni Superintendent Roque Merdegia Jr., hepe ng CIDG Anti-Transnational Crime Unit.

Kuwento ng biktimang si Faye, kumagat siya sa alok ng suspek sa Facebook na "instant passport" dahil hirap umano siyang makakuha ng pasaporte.

Nahikayat sa alok si Faye dahil hindi na niya kailangang magpakita pa sa Department of Foreign Affairs at wala nang ipapasang mga dokumento.

Kapalit ng mabilisang pasaporte ang bayad na P200,000.

"Sabi maghihintay ka lang ng 12 days lalabas na. Hindi po namin alam na may problema sa passport na ibinigay sa amin. Ang idea namin, under the table na mabilis," ani Faye.

Pero bago niya magamit ang pasaporte, ipinasuri niya muna ito.

Lumabas na orihinal ang mga pahina at cover pero peke ang data page na may biometrics.

Nang harapin ni Faye ang suspek, sinabi nitong may sasama sa kaniya sa Immigration ng paliparan hanggang sa makalabas ng bansa kapalit ang karagdagang singil na P75,000.

"Dapat daw kung aalis siya ay makipag-coordinate sa kanila para naalalayan o na-escort-an doon sa NAIA (Ninoy Aquino International Airport) para sa smooth na pag-alis," ani Merdegia. 

"'Yon ang pakete ng sindikato, ang kanilang modus, passport na, kasama pa ang escorting services," dagdag niya.

Itinanggi naman ng suspek ang bintang na "baklas passport."

"Hindi po totoo yan," sabi ni Pinlac.

Nahaharap ang suspek sa kasong paglabag sa Philippine Passport Act of 1996, falsification of public documents at estafa.

–Ulat ni Maan Macapagal, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.

CompanyProductFunctiontop keyword
Solomon 3dbin pickingai visionrobot vision
Pixx itbin pickingai visionrobot vision
Keyxxxxbin pickingai visionrobot vision
Visxxxbin pickingai visionrobot vision
Fuxxbin pickingai visionrobot vision
Muxxxbin pickingai visionrobot vision
Caxxxbin pickingai visionrobot vision

bin picking