robot vision-Lalaking epileptic, umahon sa hirap sa negosyong resto

robot vision-Lalaking epileptic, umahon sa hirap sa negosyong resto

Lumaking hindi gaya ng ibang bata si Daryll de Ocampo dahil sa mga hindi inaasahang pagkakataon ay bigla siyang magkokombulsiyon at mawawalan ng malay dulot ng sakit na epilepsy.

"Parang linggo-linggo hindi ako puwedeng hindi dadalhin sa ospital kaya hindi namin alam kung saan kami kukuha ng pera. Kasi nga, ikaw ba naman, lagi kang mag-seizure. Aabutin ako sa school, aabutin ako sa kalsada," kuwento ni De Ocampo sa programang "My Puhunan."

Lalo pang nagpabigat sa hamong kinahaharap noon ni De Ocampo ang kahirapan. Mag-isa siyang itinataguyod dati ng kaniyang inang nagtrabaho bilang labandera at manikurista.

Pero hindi naging hadlang sa pag-asenso ni De Ocampo ang karamdaman at kahirapan. Sa halip, ang mga iyon umano ang nagtulak sa kaniya para lalong magsikap na maiahon ang sarili.

"Nakita ko lahat ng hirap namin, sobra. Kaya sabi ko paglaki ko, kailangan may marating ako," ani De Ocampo.

Watch more in iWantv or TFC.tv

Si De Ocampo ang may-ari ng tanyag na Bangkito Restaurant sa Imus, Cavite, na nagsimula sa puhunang P500 at simpleng paglalako ng mga matatamis na paninda.

"Ginawa ko, naggawa ako ng pagkain. Nag-bake ako ng macaroons. Tinry ko hanggang sa nagustuhan ng mga tao," ani De Ocampo.

Sa kabila ng tagumpay sa negosyong pagkain, inamin ni De Ocampo na hindi siya certified chef at hindi rin nakapagtapos ng pag-aaral. Napulot lang niya ang kaalaman sa pagluluto nang magtrabaho bilang kusinero sa barko.

Kuwento pa niya, naging maikli rin lang ang pagtatrabaho niya sa barko dahil sa kaniyang sakit, na noong una ay itinago niya sa takot na hindi matanggap.

"Parang ni-risk ko 'yong buhay ko para lang matupad 'yong pangarap ko. Tumuloy ako," ani De Ocampo.

"Pagdating doon, sa sobrang pagod talaga, kasi 'yon nagiging trigger eh, inatake ako. Nagka-seizure ako [sa barko]," dagdag niya.

Sunod namang pinasok ni De Ocampo ang pagiging meter reader sa isang water company pero kalaunan ay natanggal din dahil sa sakit.

Mistulang sinuwerte si De Ocampo sa ikatlong pagkakataon nang pasukin nito ang negosyong pagkain.

Ngayon, masasabing maginhawa na ang pamumuhay ni De Ocampo.

Nakapagpundar na siya ng sariling bahay at malapit na ring buksan ang ikalawang branch ng kaniyang restoran.

Ipinapayo ni De Ocampo sa mga gustong pumasok sa pagnenegosyo na magkaroon ng tiwala sa sarili.

"Huwag tayong mahihiya kasi wala namang masama sa gagawin mo," aniya.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.

CompanyProductFunctiontop keyword
Solomon 3dbin pickingai visionrobot vision
Pixx itbin pickingai visionrobot vision
Keyxxxxbin pickingai visionrobot vision
Visxxxbin pickingai visionrobot vision
Fuxxbin pickingai visionrobot vision
Muxxxbin pickingai visionrobot vision
Caxxxbin pickingai visionrobot vision

robot vision