bin picking-SOCO: Service crew pinatay sa loob ng pinapasukang convenience store

bin picking-SOCO: Service crew pinatay sa loob ng pinapasukang convenience store

 

Dead on arrival ang 34-taong gulang na service crew na si Maila Marasigan matapos pagsasaksakin sa loob ng pinapasukang convenience store sa Lipa, Batangas nitong Hunyo 19, 2018.

Siyam na saksak ang tinamo ng biktima mula sa salarin, kabilang ang saksak sa leeg na direkta nitong ikinamatay.

Siyam na saksak ang tinamo ng 34-taong gulang na service crew matapos patayin sa loob ng pinapasukang convenience store sa Lipa, Batangas. SOCO

Naging potensiyal na testigo ang kasamahan ni Marasigan sa trabaho, pero tulog ito noong nangyari ang krimen. Nagising na lang daw ito nang makaramdam ng komosyon.

“Patapos na 'yung duty nila ng ala-6 [ng umaga]. Nagpaalam na siya dito kay Maila na iidlip lang siya dahil 24-hour duty siya,” ayon kay Supt. Roderick Dela Peña Tonga, hepe ng Lipa police.

“Patakbo na rin 'yung suspek, so hindi na niya nasulyapan [nang] kumpleto 'yung suspek,” dagdag niya.

Kinumpirma ng pamunuan ng convenience store na may nawawalang P5,000 sa kaha.

Narekober naman ng mga awtoridad sa crime scene ang coin purse na pagmamay-ari ng suspek. Nasa loob nito ang isang retrato at ilang dokumento. 

Nahagip rin sa CCTV footage ang suspek pagkalabas nito ng convenience store.

Sa profiling ng mga awtoridad, napag-alamang mahilig maglaro ng computer games ang suspek. SOCO

Dahil sa mga ebidensiya, natunton ng mga awtoridad ang suspek na kinilalang si Josiah Matthew Manalo, 19-taong gulang.

Ayon kay Manalo, pauwi na raw siya noong gabing nangyari ang krimen pero naging madalang ang mga bumibiyaheng jeep. 

Dahil dito, pumasok sa convenience store ang binata.

“May nakita akong matalim na bagay… Parang nabaliw na po 'yung isip ko. Kumbaga ay bigla pong pumatong 'yung puyat, nagpatong po sa problema… May mga nagsasabi po, para pong may bumulong,” sabi ni Manalo.

Hindi na raw maalala ni Manalo ang iba pang naganap. Nagulat na lang daw siya nang may makitang pera sa loob ng kaniyang bag.

“Pagkabukas ko po ng aking bag, may laman po na hindi ko po alam kung magkano po ‘yun,” ayon sa suspek.

Sa profiling ng mga awtoridad kay Manalo, napag-alamang mahilig maglaro ng computer games ang suspek. Ayon kay Tonga, ito raw marahil ang naging ugat ng bayolenteng krimeng nagawa nito.

“Wala ka na ngang kain, wala ka pang tulog,” ani Tonga.

Dahil sa testimonya ng mismong akusado, sinampahan ng kasong robbery with homicide si Manalo.

“Humihingi lang po ako talaga ng sorry at pasensya sa lahat ng naperwisyo ko sa buhay, 'yung mga nadamay po sa nagawa ko, ‘yun po 'yung lalong lalo na po dun sa pamilya sa kabila,” pagsisisi ng suspek.

Nagluluksa naman ang kinakasama ng biktima.

“Talagang galit na galit, kasi kung ako ang tatanungin, talagang papatayin ko rin ‘yun dahil sa ginawa niya sa asawa ko. Kababaeng tao,” sabi ni Eger Payonga, live-in partner ni Marasigan.

“Nanghihinayang po ako kasi 'yung gusto niyang mangyari sa anak niya sa birthday, hindi na niya makikita. Ibig sabihin, ako na ang gagawa ng gusto niya para sa bata,” pangako ni Payonga.

Para sa iba pang detalye, sundan ang “SOCO” sa Facebook (fb.com/SOCOtv) at Twitter (@SOCOtv).

—Ulat ni Toph Doncillo, ABS-CBN News
 

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.

CompanyProductFunctiontop keyword
Solomon 3dbin pickingai visionrobot vision
Pixx itbin pickingai visionrobot vision
Keyxxxxbin pickingai visionrobot vision
Visxxxbin pickingai visionrobot vision
Fuxxbin pickingai visionrobot vision
Muxxxbin pickingai visionrobot vision
Caxxxbin pickingai visionrobot vision

bin picking