bin picking-PLDT customer service agents, umalma sa natapos na kontrata

bin picking-PLDT customer service agents, umalma sa natapos na kontrata

Watch more in iWantv or TFC.tv

Nangalampag sa opisina ng PLDT sa España, Maynila ang mga customer service agent ng naturang kompanya para tutulan ang pagputol umano ng PLDT sa service contracts sa kanilang mga agency.

Sabado, Hunyo 30, nang sabihin sa agents ang malungkot na balita. 

"Sobrang sakit, biruin mo ba naman mawawalan ka ng trabaho, siyempre sa pamilya, 'yong anak kong pinag-aaral dalawa," ani Maria Paz Austria, isa sa mga agent. 

Ganito rin umano ang nangyari sa iba pang outsourced workers ng PLDT.

Makikita sa iba't ibang post sa social media na nag-last day na rin sa trabaho ang mga PLDT customer service agent sa Quezon City, Alabang, Baguio, Cebu, at Lucena.

Taliwas ang nangyari sa kautusan ng Department of Labor and Employment (DOLE) na gawing regular employees ang 7,000 outsourced workers ng telecom company.

DOLE denied PLDT's appeal to reverse regularization order: Bello

Pero sa isang pahayag, iginiit ng PLDT na hindi sila ang nag-terminate ng mga kontrata dahil bahagi ito ng kautusan ng DOLE na itigil ang serbisyo sa kanila ng 38 service contract providers.

Kinukuwestiyon ng PLDT ang legalidad ng kautusan ng DOLE sa Court of Appeals.

PLDT loses appeal on regularization of 7,000 workers

Habang hinihintay ang desisyon ng korte, inaaksiyunan ang DOLE order at iniisa-isa na ang mga manggagawang kasama sa listahan ng mga gustong ipa-regular ng DOLE.

"While PLDT and the affected contractors await judicial relief from the CA, PLDT continues to carry out an orderly and effective intake process in response to the DOLE Order. This process involves the proper identification of individuals named in the DOLE Order and establishing their respective qualifications and fitness for work," pahayag ng PLDT.

Pero ayon kay DOLE Secretary Silvestre Bello, nag-expire na ang appeal period na ibinigay nila sa PLDT kaya executory na ang kanilang compliance order.

Totoo rin na ipinatitigil ang serbisyo ng 38 service contractors ng PLDT pero hindi nito dapat maapektuhan ang regularization ng mga manggagawa.

"Ang order namin is that they should be regularized as employees of the principal, referring to PLDT, not the service provider," Ani Bello.

"The workers are right in saying that this is one way of circumventing the order."

Ipapatawag ng DOLE ang PLDT sa loob ng linggong ito para maayos ang isyu.

Kahit naman hindi nagtatrabaho ngayon ang mga apektadong customer service agents ng PLDT, nilinaw ng DOLE na bahagi rin ng kanilang direktiba na bayaran ng PLDT ang kanilang mga sahod at benepisyo.

— Ulat ni Zen Hernandez, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.

CompanyProductFunctiontop keyword
Solomon 3dbin pickingai visionrobot vision
Pixx itbin pickingai visionrobot vision
Keyxxxxbin pickingai visionrobot vision
Visxxxbin pickingai visionrobot vision
Fuxxbin pickingai visionrobot vision
Muxxxbin pickingai visionrobot vision
Caxxxbin pickingai visionrobot vision

bin picking