bin picking-3 sa 4 na Pinoy, walang alam sa pederalismo: SWS

bin picking-3 sa 4 na Pinoy, walang alam sa pederalismo: SWS

Halos buo na ang panukalang Konstitusyon ng komiteng binuo ni Pangulong Rodrigo Duterte upang bumalangkas nito.

Pagbalangkas ng draft charter tungo sa pederalismo, 'patapos' na: Con-Com

Pero kung ang pinakahuling survey ng Social Weather Stations (SWS) ang pagbabasehan, isa lang sa bawat apat na Pinoy ang may alam sa isinusulong na pederalismo.

Porsiyento ng Pinoy na may kaalaman sa federal system ng gobyerno:
• 25% – May alam
• 75% – Walang alam

Ang 75 porsiyento, nalaman lang ang pederalismo nang tanungin sa survey.

Isinagawa ang survey noong Marso 23-27 sa pamamagitan ng harapang interview sa 1,200 respondents sa buong bansa.

Aminado ang Consultative Committee on Charter Change (Con-Com) na mahirap ipaliwanag ang konsepto ng pederalismo na layong palakasin at paunlarin ang mga rehiyon para hindi nakadepende lang ang mga ito sa national government.

Gayunpaman, tinawag ng komite na "encouraging" ang resulta ng survey dahil rason ito upang pag-igihin pa nila ang pagpapakalat ng impormasyon ukol dito.

Inamin din mismo ng Malacañang na kailangan pa ng ibayong kampanya tungkol sa naturang reporma na nais isulong ng gobyerno. 

"Apparently the information drive is not enough so we need to work harder given that the shift to federalism is the cornerstone of the Duterte administration," ani Presidential Spokesperson Harry Roque.

Sa parehong survey, napag-alaman ding 34 na porsiyento ng mga Pilipino ang "undecided" pa o puwede pang mahikayat na suportahan ang pagpapalit sa sistema ng pamahalaan.

Mga pabor sa federal system ng gobyerno:
• 37% – Agree
• 29% – Disagree
• 34% – Undecided

"They will be convinced that this is the way forward for this country," positibong komento ni Con-Com spokesperson Conrado Generoso.

Ayon naman kay Con-Com member Atty. Susan Ordinario: "What is important now is for us and for them to work together to understand what benefits it will bring to the country." 

Paniguro ng Con-Com, nagsimula na silang mag-ikot sa mga rehiyon upang ipaalam sa mga lokal na pamahalaan kung ano ang layunin ng pederalismo.

–Ulat ni Christian Esguerra, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.

CompanyProductFunctiontop keyword
Solomon 3dbin pickingai visionrobot vision
Pixx itbin pickingai visionrobot vision
Keyxxxxbin pickingai visionrobot vision
Visxxxbin pickingai visionrobot vision
Fuxxbin pickingai visionrobot vision
Muxxxbin pickingai visionrobot vision
Caxxxbin pickingai visionrobot vision

bin picking