bin picking-Matapos ang atas ni Duterte, ilang ‘tambay’ na kabataan ‘sinagip’

bin picking-Matapos ang atas ni Duterte, ilang ‘tambay’ na kabataan ‘sinagip’

Watch more in iWantv or TFC.tv

Isang araw matapos ipag-utos ni Pangulong Rodrigo Duterte na dapat hulihin din ang mga menor de edad na "tambay" para na rin sa kanilang "proteksiyon," dose-dosenang kabataan sa lansangan ang "sinagip" sa Maynila.

Duterte: Round up teens ‘for their protection’

Nasagip ang 30 batang lansangan sa tinaguriang "massive reach out at clearing operation" ng lokal na pamahalaan ng Maynila at Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) para sa mga tambay.

Magkakasunod na sinuyod ng mga taga-Manila City Hall ang ilang lansangan sa lungsod ng Maynila.

Layunin nilang matipon ang mga anila'y tambay na ginawang tulugan ang mga bangketa.

Isa-isang ginising ang mga natutulog na bata para sila'y masagip.    

Ilang menor de edad ang nagpumiglas at nagtangkang tumakas sa mga awtoridad.

Ayon kay Lindsay Javier, team leader ng ahensiya sa Maynila na nanguna sa operasyon, kailangang isagawa ang regular na pagsagip sa mga batang lansangan para maiiwas sila sa disgrasya at krimen.

"Araw-araw namin ginagawa ito. Umaga, hapon, gabi in response din doon sa executive order… ni Mayor Joseph Estrada na 'yong zero street-dwelling sa city of Manila," ani Javier.

Agad nai-turnover sa Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang 30 nasagip na mga bata para maproseso ang pagkakakilanlan at maibalik sa kanilang mga magulang.

Sinabi nitong Lunes ni Duterte na hindi dapat makaligtas ang kabataan sa kampanya kontra tambay.

Giit pa ng pangulo, para rin sa kaligtasan ng mga kabataan ang paghuli sa kanila.

"Below 18, you arrest the teenagers there around loitering, because we have to protect our children. Nagkalat na ang droga, nagkalat na ang lahat," sabi ni Duterte nitong Lunes.

"We are removing the minors, take them into custody… they are not being arrested for any crime. It's for their own good."

Sinabi rin nitong Martes ni chief presidential legal counsel Salvador Panelo na may mga krimeng nag-uugat dahil sa pagtambay ng mga menor de edad.

"He's trying to protect the people. When minors loiter or drink liquor, then you're creating a situation where crimes will arise from that," ani Panelo sa panayam ng ANC.

When minors loiter, you create a situation where crimes arise: Panelo

Nagpaalala naman ang Council for the Welfare of Children na dapat sumunod ang mga awtoridad sa mga batas na nangangalaga sa karapatan ng kabataan sa gitna ng pagpapatupad ng iba't ibang ordinansa ng mga lungsod.

Inirerekomenda ring may kasamang social worker sa mga operasyon at hindi rin dapat ma-trauma ang mga batang dinadampot.

"Siguraduhin natin na ang bata'y hindi masasaktan, hindi sila mamumura. Kailangan sa operation, kung kinakailangang may kasamang social worker para lamang masiguro ang kapakanan at ang seguridad ng bata," ani Mitch Cajayon Uy, executive director ng Council for the Welfare of Children.

Nilinaw din ng Philippine National Police (PNP) na hindi nila maaaring arestuhin ang mga menor de edad kundi ikustodiya lamang at kalauna'y ibibigay sa magulang o sa DSWD.

Kabalikat din anila ng mas maigting na kampanya laban sa mga lumalabag sa mga ordinansa ang pagrespeto sa karapatang pantao na alinsunod sa utos ni Duterte.

Dagdag pa ng PNP, magpapatuloy ang kanilang pagpapatupad ng mga ordinansa kahit na kaliwa't kanan ang batikos ng ilang sektor at human rights groups.

— Ulat ni Raffy Santos, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.

CompanyProductFunctiontop keyword
Solomon 3dbin pickingai visionrobot vision
Pixx itbin pickingai visionrobot vision
Keyxxxxbin pickingai visionrobot vision
Visxxxbin pickingai visionrobot vision
Fuxxbin pickingai visionrobot vision
Muxxxbin pickingai visionrobot vision
Caxxxbin pickingai visionrobot vision

bin picking