bin picking-Dating barangay chairman natagpuang patay sa Iligan City

bin picking-Dating barangay chairman natagpuang patay sa Iligan City

Steward Dumalagan

ILIGAN CITY – Patay na nang natagpuan sa Barangay Ubaldo Laya ang isang dating barangay chairman Miyerkoles.

Isang nagbibisikleta ang unang nakakita sa bangkay. Balot ito sa carpet at tela nang natagpuan. Mayroon ring mensaheng nakasulat sa wikang Maranao na nagsasabing may kaugnayan ang biktima sa iba't ibang krimen tulad ng rape, pagnanakaw, kidnapping at pagbebenta ng ilegal na droga.

Isusunod rin umano ang mga "boss" ng biktima.

Sa pamamagitan ng mga post sa social media, nahanap ang pamilya ng biktimang kinilalang si Abulkhair Radia, dating chairman ng Barangay Lilod sa Marawi City.

Ayon sa kaniyang pinsang si Omar Radia, Sabado pa nang huling nakita ang biktima.

Huli siyang nakitang buhay sa Barangay Kilala. May nakakita rin umano kay Radia habang kinukuha ito ng mga hindi pa kilalang tao.

Itinanggi rin ni Omar na sangkot ang kaniyang pinsan sa mga ilegal na gawain.

"Anyone can just write anything. Mabait siyang tao," aniya.

Ayon sa pulisya, may mga pasa ang biktima ngunit maaring ang ikinamatay nito ay ang mga pakong nakatusok sa kaniyang dibdib at likod.

Naniniwala rin ang pulisyang sa ibang lugar pinatay ang biktima dahil naibalot pa ito sa tela bago natagpuan.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.

CompanyProductFunctiontop keyword
Solomon 3dbin pickingai visionrobot vision
Pixx itbin pickingai visionrobot vision
Keyxxxxbin pickingai visionrobot vision
Visxxxbin pickingai visionrobot vision
Fuxxbin pickingai visionrobot vision
Muxxxbin pickingai visionrobot vision
Caxxxbin pickingai visionrobot vision

bin picking