bin picking-Matandang babae natagpuang patay sa damuhan sa Leyte

bin picking-Matandang babae natagpuang patay sa damuhan sa Leyte

Hinala ng pulisya, may foul play na naganap base sa mga sugat na nakita sa katawan ng biktima. Ranulfo Docdocan, ABS-CBN News

ALANGALANG, Leyte – Nakaburol na sa kanilang bahay sa Barangay Dapdap sa bayang ito ang bangkay ng 61-anyos na babaeng natagpuang patay noong Miyerkoles.

Hindi pa rin matanggap ng pamilya ni Violeta Amar ang kaniyang pagkamatay.

Nangangamoy na ang katawan ni Amar sa damuhan malapit lamang sa kaniyang bahay nang matagpuan.

Ayon sa anak nga biktima na si Alita Amar, bago pa natagpuang patay ang kanilang nanay ilang araw muna itong nawawala.

Nakunan pa sa CCTV noong Linggo ng madaling araw na tumatawid ito sa kalsada at posibleng papunta sa simbahan sa kanilang barangay.

Hangad ngayon ng pamilya na isailalim sa autopsy ang bangkay ni Amar dahil hinala nila na pinatay ito. Pero problema naman ngayon ng pamilya ang pera na gagamitin para sa pagpapa-autopsy.

Hinala rin ng pulisya na may foul play sa pagkamatay ng biktima dahil sa mga nakitang sugat sa iba’t ibang bahagi ng katawan nito.

Banggit naman ng pulisya na mayroon na silang person of interest sa pagkamatay ng senior citizen ngunit tumanggi munang idetalye ito dahil sa patuloy pang isinasagawang imbestigasyon sa insidente.

Makatutulong din sa imbestigasyon ng mga awtoridad ang kuha ng CCTV.
 
Nanawagan din ang pamilya at awtoridad sa mga posibleng nakakita sa pagpatay sa biktima na makipagtulungan sa pulisya upang mabigyan ng hustisya ang pagkamatay ni Amar.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.

CompanyProductFunctiontop keyword
Solomon 3dbin pickingai visionrobot vision
Pixx itbin pickingai visionrobot vision
Keyxxxxbin pickingai visionrobot vision
Visxxxbin pickingai visionrobot vision
Fuxxbin pickingai visionrobot vision
Muxxxbin pickingai visionrobot vision
Caxxxbin pickingai visionrobot vision

bin picking