bin picking-Fuel vouchers sa mga pumapasada ng jeep, nais maipamigay sa Hulyo

bin picking-Fuel vouchers sa mga pumapasada ng jeep, nais maipamigay sa Hulyo

Watch more in iWantv or TFC.tv

Target ng gobyerno na maipamahagi sa susunod na buwan ang mga fuel voucher sa mga operator ng mga public utility jeepney (PUJ).

"The reason why it took a bit of time kasi ang gusto lang nating bigyan ng fuel vouchers iyong mga duly-registered and franchise kasi marami tayong problema sa kolorum," ani Finance Undersecretary Karl Chua.

Ang fuel voucher ang ayuda ng gobyerno sa mga PUJ matapos magtaas ang presyo ng produktong petrolyo mula nang magpataw ng excise tax nitong taon at ang pagtaas din ng presyo ng langis sa pandaigdigang merkado.

Hahatiin sa 178,192 PUJ units ang P977 milyong pondo para sa fuel voucher.

Mahigit P800 ang matatanggap kada buwan ng bawat unit simula Hulyo hanggang Disyembre.

Ang Landbank at Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang hahawak sa distribusyon ng mga voucher.

Ayon kay LTFRB chairman Martin Delgra III, babaguhin pa ang kasalukuyang disenyo ng voucher upang magamit lang ito sa pagpapakarga ng diesel at hindi sa iba pang bagay.

"On the face of the card itself, nakalagay 'exclusively for fuel purchase only.' So kina-calibrate natin na para hindi naman maubos kaagad 'yan," ani Delgra.

Bahagi ng Tax Reform for Acceleration and Inclusion (TRAIN) Law ang pag-abot ng tulong sa mga pampublikong sasakyan na matatamaan ng excise tax sa produktong petrolyo.

Nangangamba naman ang grupong Pasang Masda na baka magaya ang ipamimigay na fuel voucher sa cash card na ipinamigay noong administrasyon ni Gloria Macapagal-Arroyo na hindi nagamit at may mga hindi rin nabigyan.

"Bakit kailangan pa natin mag-voucher… bakit hindi na lang natin idagdag na pondo para sa modernization program?" ani Pasang Masda president Obet Martin.

–Ulat ni Jacque Manabat, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.

CompanyProductFunctiontop keyword
Solomon 3dbin pickingai visionrobot vision
Pixx itbin pickingai visionrobot vision
Keyxxxxbin pickingai visionrobot vision
Visxxxbin pickingai visionrobot vision
Fuxxbin pickingai visionrobot vision
Muxxxbin pickingai visionrobot vision
Caxxxbin pickingai visionrobot vision

bin picking