bin picking-Mga tsuper, pasahero, hati ang reaksiyon sa P1 dagdag-pasahe

bin picking-Mga tsuper, pasahero, hati ang reaksiyon sa P1 dagdag-pasahe

Watch more in iWantv or TFC.tv

Hati ang reaksiyon ng mga tsuper at pasahero sa P1 pansamantalang dagdag sa minimum fare ng mga pampasaherong jeep na pumapasada sa Metro Manila, Central Luzon, Mimaropa, at Calabarzon.

Inaprubahan noong Miyerkoles ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang hiling ng mga transport group na pansamantalang dagdag-pasahe na magtataas ng minimum fare sa P9 mula P8.

P1 pansamantalang dagdag pasahe, inaprubahan ng LTFRB

Ikinatuwa ito ng ilang tsuper.

"Maganda rin po 'yan sa mga driver kasi mahal iyong diesel," anang tsuper na si Michael Montreal.

Umaray naman ang ilang pasaherong papasan sa dagdag-pasahe.

"Bawat centavo kapag naipon, mas bumibigat," sabi ng estudyanteng si Jade Divido. 

Pero may mga pasaherong nakauunawa sa mga tsuper. 

"Okay lang kasi para sa mga driver naman," anang pasaherong si Caridad Singson.

Pansamantala lang ang P9 minimum fare habang patuloy ang pagdinig sa kabuuang petisyon ng mga transport group sa LTFRB.

P12 MINIMUM FARE SA MODERNONG JEEP 

Sinusugan naman ng mga transport group ang kanilang petisyon at humiling ng P12 minimum fare sa kondisyon umanong magiging moderno ang mga pampasaherong jeep.

"'Yon na 'yong modern na jeep na may air-condition, may WiFi, may GPS, at may automatic fare collection," ani Pasang Masda president Obet Martin.

Unang naghain ng petisyon noong Setyembre ang mga transport group sa LTFRB na layong itaas ang minimum fare sa P10.

Hiling ng transport groups: P2 dagdag sa minimum fare, diskuwento sa presyo ng langis

Hihintayin muna ang kautusan ng LTFRB bago ipatupad ang P9 minimum fare sa mga jeep.

Epektibo pa rin naman ang 20 porsiyentong diskuwento ng mga estudyante, senior citizen, at person with disability.

–Ulat ni Lady Vicencio, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.

CompanyProductFunctiontop keyword
Solomon 3dbin pickingai visionrobot vision
Pixx itbin pickingai visionrobot vision
Keyxxxxbin pickingai visionrobot vision
Visxxxbin pickingai visionrobot vision
Fuxxbin pickingai visionrobot vision
Muxxxbin pickingai visionrobot vision
Caxxxbin pickingai visionrobot vision

bin picking