ai vision-UNCUT: Bakit malaki ang pasasalamat ni Herbert Bautista kay Kris

ai vision-UNCUT: Bakit malaki ang pasasalamat ni Herbert Bautista kay Kris

Actress Kris Aquino and Quezon City Mayor Herbert Bautista. Composite image: Michael Bagtas, ABS-CBN News/Screengrab

Pinasalamatan ni Quezon City Mayor Herbert Bautista si Kris Aquino sa magandang impluwensiyang dinala nito sa kaniya, bagamat hindi sila nagkatuluyan.

Sa press launch ng kanyang libro na “[email protected]: Life in Full Color” nitong Biyernes, iginiit ni Bautista na mananatili silang mabuting magkaibigan ni Aquino.

Dinetalye sa libro na dalawang beses na nag-propose ng kasal si Bautista kay Aquino noong 2014 at 2017. Pero naging komplikasyon ang pagtutol ng kaniyang mga anak, at ang paniniwala umano ni Aquino na hindi magtatagumpay ang kanilang relasyon.

Ayon kay Bistek, minulat siya ni Aquino sa maraming options na puwede pa niyang gawin sa kaniyang personal na buhay at larangan ng pulitika.

UNCUT: Kris shows curves, tells Herbert, 'This is what you're missing!'

Watch more in iWantv or TFC.tv

Tumanggi ang 3-term mayor na i-announce ang kaniyang next political step. Nakasalalay daw ito sa magiging epekto ng SONA ni Pangulong Rodrigo Duterte sa July 23.

Pero giit niya, kailangan niyang maglaan ng mas mahabang panahon sa kaniyang mga anak na sina Race, Cray, Athena at Harvey, mula sa 2 niyang naka-relasyon. Hinahamon niya raw ang kaniyang sarili na maging mas mabuting ama. 

Dinetalye rin ng libro ni Bistek ang hirap na pinagdaanan niya bilang child star na lumaki sa anino ng ama niyang direktor na si Herminio “Butch” Bautista hanggang maging sikat siyang teen star sa “Bagets” at iba pang pelikula, gayundin ang turning point niya noong 1992 sa pagtakbo niya bilang QC councilor.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.

CompanyProductFunctiontop keyword
Solomon 3dbin pickingai visionrobot vision
Pixx itbin pickingai visionrobot vision
Keyxxxxbin pickingai visionrobot vision
Visxxxbin pickingai visionrobot vision
Fuxxbin pickingai visionrobot vision
Muxxxbin pickingai visionrobot vision
Caxxxbin pickingai visionrobot vision

ai vision