ai vision – ‘I’m not gone’: Pacquiao kumbinsidong nakabalik na sa dating kalakasan

ai vision – ‘I’m not gone’: Pacquiao kumbinsidong nakabalik na sa dating kalakasan

Manny Pacquiao celebrates after winning the bout against Lucas Matthysse. Lai Seng Sin, Reuters

KUALA LUMPUR — Halos mag-iisang dekada na nang huling nakapagpatumba si Manny Pacquiao ng katunggali sa loob ng ring. Ngunit sa pambihirang pagkakataon, sa kaniyang edad na 39-anyos, muling pinatunayan ni Pacquiao na hindi pa ubos ang kaniyang lakas sa boksing. 

Sa ika-pitong round ng bakbakan nila ng noo'y nagdedepensang kampeon na si Lucas Matthysse, pinaluhod ni Pacman ang Argentinian boxer sa harap ng libo-libong Pilipinong nanonood sa Axiata Arena upang angkinin ang WBA welterweight belt. 

Ito ang ika-60 panalo ni Pacquiao sa kaniyang professional boxing career. 

Bago pa man tumapak sa ibabaw ng lona, marami na ang nagsasabing tapos na ang kalakasan ni Pacquiao at unti-unti nang nababawasan ang kaniyang bilis. 

Ngunit depensa ni Pacman, pahinga lang ang kinailangan niya bago muling maibalik ang kilalang People's Champ ng mundo.

"I'm not gone. I'm still here," ani Pacquiao matapos ang laban kay Matthysse sa Kuala Lumpur. "It's just a matter of time to have rest and then get back. That's what I did, especially in this fight, to bring honor to our country."

Manny Pacquiao TKOs Lucas Matthysse to capture WBA title

Kuwento ng Pambansang Kamao, simula pa lamang ng laban alam niyang na malaki ang tsansa nitong makuha ang panalo ngunit nanatili umano silang kalmado at naghintay ng tamang pagkakataon para makaatake. 

"Our strategy is to be patient, take time. Don't rush. Dont be careless like what we did before," paliwanag ni Pacquiao. 

Bilin aniya ng punong tagapagsanay nito na si Buboy Fernandez na ituloy lamang ang pagpapakawala ng malalakas na suntok at counterpunches. 

Ayon kay Pacman, sinunod lamang niya lahat ng napagkasunduan nila ni Fernandez at ito ang nagdala sa kanila ng tagumpay. 

Bagamat pinuri niya ang lakas na taglay ng kalaban, sigurado si Pacquiao na nasaktan ng labis si Matthysse sa mga suntok na pinakawalan niya sa laban. Tingin pa ng Pilipinong boksingero, nagbago ang strategy ng kampo ni Matthysse noong patuloy ang kaniyang ratsada. 

"He was scared of my punches. That what changed his style," pag-amin ni Pacquiao. "He was surprised I'm coming inside and not moving around."

Pinili umano ni Pacman na kumonekta ng mga suntok sa harapan ni Matthysse kahit marami ang nagsasabing delikado ito para sa kaniya. 

Ayon sa kaniya, gusto niyang magkaroon ng maraming aksyon sa kanilang bakbakan.

Para sa iba pang mga balitang pampalakasan, bisitahin ang ABS-CBN Sports website.

CompanyProductFunctiontop keyword
Solomon 3dbin pickingai visionrobot vision
Pixx itbin pickingai visionrobot vision
Keyxxxxbin pickingai visionrobot vision
Visxxxbin pickingai visionrobot vision
Fuxxbin pickingai visionrobot vision
Muxxxbin pickingai visionrobot vision
Caxxxbin pickingai visionrobot vision

ai vision