ai vision – TRANSCRIPT: Manny Pacquiao ukol kay Coach Buboy, right hook, at mga susunod na laban

ai vision – TRANSCRIPT: Manny Pacquiao ukol kay Coach Buboy, right hook, at mga susunod na laban

Nakatayo sa isang sulok si Manny Pacquiao habang tinitingnan ang lagay ni Lucas Matthysse kasunod ng kaniyang ikalawang knockdown sa Kuala Lumpur nitong Linggo. Kuha ni Lai Seng Sin, Reuters

Nakapanayam nang live nitong Linggo sa "TV Patrol Weekend" ang WBA welterweight champion na si Manny Pacquiao.

Sa panayam, sinagot ng "Pambansang Kamao" kung paano sila nagsanay ng kaniyang bagong coach na si Buboy, kung sino ang mga susunod na puwede niyang makalaban, at ang paggamit niya ng right hook sa laban kontra kay Lucas Matthysse.

Narito ang transcript o ang eksaktong tanong kay at tugon ni Pacquiao.

Alvin Elchico: Magandang hapon sa 'yo, Senador Manny Pacquiao. Congratulations mula dito sa Pilipinas. Ano 'yong pagkakaiba doon sa training mo ngayon na kasama si Buboy kumpara noon kay coach Freddie Roach?

Manny Pacquiao: Dito sa training natin na talagang we worked hard, we pushed to the limit 'yong training natin, then may mga days na nagpapahinga tayo dahil to recover. 'Yong tinatawag nating recovery. Dahil not like before, one night lang, overnight lang ma-recover mo na strength mo. Pero dito, we pushed to the limit 'yong training namin, hard work. But may mga days na nagpapahinga kami para ma-recover 'yong strength na nawala.

Alvin Elchico: Ang daming na-excite na mga fans, dahil ang liksi naibalik. Maituturing mo ba itong statement fight, senador, para sa posibilidad na muling pagbabalik ng laban sa Las Vegas? Kasi 'yong last mo Australia, ngayon Malaysia. Babalik ba ang Senador Manny Pacquiao sa Vegas?

Manny Pacquiao: Depende 'yan sa magiging negosasyon, kung sino 'yong makakalaban natin. Puwede namang bumalik sa Amerika, lumaban kung like (Vasyl) Lomachenko, (Terence) Crawford, or anybody else na puwedeng lumaban, like American. So depende na sa negotiation. Right now, mag-e-enjoy muna tayo sa tagumpay natin.

Alvin Elchico: So samakatuwid, nabanggit mo 'yong mga posibilidad, senador. Ibig sabihin, hindi pa tapos ang career? Kasi 'yon ang susunod na tanong natin, mga kababayan. 'Yon na ba ang last o mayroon pang kasunod na isa, dalawa, tatlong laban?

Manny Pacquiao: Hindi pa tapos. Hindi ako nawala sa ano. Nandiyan pa ako. At disiplina lang ang kailangan at hard work, hard work ang kailangan para manatiling mabilis at malakas ang katawan.

Alvin Elchico: Pero si Pangulong Duterte mismo ang nag-advise, sabi sa statement ni Pangulo, sana last mo na na laban. Ano'ng masasabi mo do'n? Ano'ng reaksiyon mo? Even the President is worried, baka mapaano ka sa susunod mong laban. Baka panahon na para mag-retire.

Manny Pacquiao: Pinag-iisipan din natin 'yan. Pero alam mo, puwede na, puwede akong huminto. Pero mami-miss ko kasi ang boxing. Boxing is my passion. Talagang that's the evidence of being so passionate in this sports. Maliit pa 'ko, boxing na kasi ang habit ko. So talagang, 'yon na talaga ang hilig ko.

Alvin Elchico: So wala 'tong edad na pagdating mo ng 41, 42, titigil? Hihingi ka ba ng sign sa Panginoon? Na baka may sign na gagawin diyan, "O ito na 'yong sign, tigil na tayo, tama na 'to."

Manny Pacquiao: Yes, abot na rin, malapit na rin, malapit na rin. Hindi nating masabi na matagal pa o ano, malapit na rin pero i-announce ko naman 'yan. I will announce formally na talagang ayan, tama na.

Alvin Elchico: Panghuli na lang, senador. Pansin namin ginamit mo 'yong kanan. Matindi 'yong kanan. Ito ba 'yong secret weapon mo ngayon?

Manny Pacquiao: 'Yong kanang kamay, 'yong right hook namin, talagang dinevelop namin 'yan sa training at nagamit naman. Medyo lumuwag siya no'ng tinamaan ko siya ng right hook.

Alvin Elchico: Panghuli, ano ang gusto mong sabihin sa sambayanang Pilipino? Aba, mukhang nabuhay ang dugo e. Maliksi uli ngayon ang Senador Manny Pacquiao.

Manny Pacquiao: Maraming maraming salamat sa buong sambayanang Pilipino. Siyempre, salamat sa ating Panginoon sa ibinigay niyang lakas sa atin. Itong karangalan na 'to at sa, ang karangalan na ito ay para sa buong sambayanang Pilipino. At salamat din sa ating mahal na pangulo, sa kaniyang pagpanood at suporta. Talagang nakakadagdag ng inspirasyon at bago ako lumaban, talagang inspiradong-inspirado ako para lumaban.

Para sa iba pang balitang pampalakasan, pumunta sa website ng ABS-CBN Sports.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.

CompanyProductFunctiontop keyword
Solomon 3dbin pickingai visionrobot vision
Pixx itbin pickingai visionrobot vision
Keyxxxxbin pickingai visionrobot vision
Visxxxbin pickingai visionrobot vision
Fuxxbin pickingai visionrobot vision
Muxxxbin pickingai visionrobot vision
Caxxxbin pickingai visionrobot vision

ai vision