ai vision-‘Dancer ka lang’: Jackque, naiyak dahil sa bashers

ai vision-‘Dancer ka lang’: Jackque, naiyak dahil sa bashers

 

A post shared by Jackie Gonzaga (@jakigonzaga) on May 11, 2018 at 7:33am PDT

Kasabay ng patuloy niyang pagsikat dahil sa mga kulitan nila ni Vice Ganda, hindi rin nawawala ang mga taong nais ibaba ang kumpiyansa sa sarili ni "It's Showtime" dancer Jackque Gonzaga.

Watch more in iWantv or TFC.tv

Sa panayam sa "Tonight With Boy Abunda" noong Miyerkoles, hindi napigilan ni Gonzaga na maiyak nang magbahagi tungkol sa pangungutya sa kaniya ng mga basher.

"'Yong sasabihin na 'dancer ka lang.' Bakit daw ako 'yong pinipilit pasikatin, bakit ako 'yong nandoon?" kuwento ni Gonzaga sa mga natatanggap na batikos.

Kapag nabibigatan na daw siya sa mga negatibong komento ay hindi na lang niya binabasa ang mga ito.

"Kapag minsan parang nakikita ko na negative na 'yong sasabihin, exit ko na lang tapos wala, pray na lang ako. Bahala kayo diyan," aniya.

 

A post shared by Jackie Gonzaga (@jakigonzaga) on Feb 26, 2018 at 5:51am PST

Nananatili namang positibo si Gonzaga sa kabila ng mangilan-ilang nambabatikos sa kaniya, lalo at wala naman daw siyang ginagawang masama.

"Parang mas marami naman po 'yung natutuwa, parang positive naman po 'yong ginagawa ko. Sa isip-isip ko, wala naman ako ginagawang masama so kung hindi niyo gusto, edi sorry, kung gusto niyo, thank you," aniya.

 

A post shared by Jackie Gonzaga (@jakigonzaga) on Jan 26, 2018 at 6:46am PST

Isa rin sa mga pinaghuhugutan niya ng lakas ng loob ay ang kaniyang pamilya.

"Nandiyan lang po sila kasi sila lang 'yong puwede mong sabihan, 'yong mapagkakatiwalaan mo sa lahat," sabi ng mananayaw.

Noong una ay hindi suportado ng pamilya ni Gonzaga ang kaniyang pagiging mananayaw lalo at nakapagtapos naman daw siya ng kolehiyo pero kalaunan ay sinuportahan na siya ng mga ito.

'Ate Girl', alay ang bawat sayaw sa kanyang ama

"Happy po sila. Basta ang importante daw po masaya ako kasi sabi nila hindi naman mabibili ng pera 'yong kasiyahan na nakikita nila sa 'kin," ani Gonzaga.

Tampok ang kunwariang pagkakamabutihan nina Gonzaga, o mas kilala sa bansag na "Ate Girl," at Vice Ganda sa segment na "Miss Q&A" ng "It's Showtime."

'Parang totoo na': Shrieks as confused Vice Ganda, Jackque decide if 'romance' still a joke

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.

CompanyProductFunctiontop keyword
Solomon 3dbin pickingai visionrobot vision
Pixx itbin pickingai visionrobot vision
Keyxxxxbin pickingai visionrobot vision
Visxxxbin pickingai visionrobot vision
Fuxxbin pickingai visionrobot vision
Muxxxbin pickingai visionrobot vision
Caxxxbin pickingai visionrobot vision

ai vision