ai vision – Garie Concepcion, ‘dream come true’ sa pagbida sa pelikula

ai vision – Garie Concepcion, ‘dream come true’ sa pagbida sa pelikula

Tampok sa 'The Lease' sina Garie Concepcion at Ruben Maria Soriquez. ABS-CBN News

Natupad na ang pangarap ng kapatid ni KC Concepcion na si Garie Concepcion na maging ganap na bituin sa isang international movie. 

Level up na si Garie sa una niyang lead role sa pelikulang “The Lease,” isang psycho horror thriller na co-production ng mga Italian at Pinoy filmmaker.

Katambal niya dito ang actor-producer na si Ruben Maria Soriquez na higit na kilala bilang ama ni Liza Soberano sa seryeng “Dolce Amore.”

"This is a dream come true, " sabi ni Garie, na unang nakikila sa showbiz bilang singer at theater actress. 

Watch more in iWantv or TFC.tv

Ito din ang break na hinintay ni Garie, na matagal nang nasa anino ng kanyang amang si Gabby Concepcion at KC na on-leave ngayon sa showbiz. 

Ipinagmalaki din ni Garie na nag-audition siya sa role ng inang nakaranas ng kababalaghan sa isang haunted villa. Isang monologue tungkol sa pag-ibig ang audition piece ng aktres na huling itinampok sa “La Luna Sangre.”

Dumalo si Garie sa premiere ng “The Lease” kasama ang inang negosyanteng si Grace Ibuna at kapamilya sa partido ng amang si Gabby. Hindi nakarating si Gabby sa okasyon, na dinaluhan din ng nobyong singer ni Garie na si Michael Pangilinan.

"We're good, doing things slowly and collaborating in music," sabi ni Garie, sabay sa paglinaw na wala pa silang wedding plans ni Michael.

Watch more in iWantv or TFC.tv

Hangad din ni Garie na makita na ng kapatid niyang si KC ang tamang pag-ibig. "It will come at the right time,” aniya. Full support din daw siya sa business projects ni KC.

Bukod sa Manila theater run ng “The Lease” ngayong Hulyo, nakatakda ang pagtatanghal nito sa ilang international film fest sa Europe. Ingles ang dialogue sa pelikula sa ilalim ng direksyon ng Italian filmmaker na si Paolo Bertola. 

Natutuwa si Garie sa break na makagawa ng horror, dahil in-demand ang Pinoy horror at action movies sa mga international film fest.
 

CompanyProductFunctiontop keyword
Solomon 3dbin pickingai visionrobot vision
Pixx itbin pickingai visionrobot vision
Keyxxxxbin pickingai visionrobot vision
Visxxxbin pickingai visionrobot vision
Fuxxbin pickingai visionrobot vision
Muxxxbin pickingai visionrobot vision
Caxxxbin pickingai visionrobot vision

ai vision