ai vision – Richard Gomez, may pelikula kasama si Sharon Cuneta?

ai vision – Richard Gomez, may pelikula kasama si Sharon Cuneta?

Watch more in iWantv or TFC.tv

MANILA — (UPDATED) Maugong ang balita na magbabalik pelikula na ang magaling na aktor na si Richard Gomez na nakipag-meeting sa Star Cinema noong Biyernes.

At isa sa request ng fans ang muli nilang pagsasama ni Sharon Cuneta na huling napanood noong year 2000 sa box office hit na "Minsan Minahal Kita."

"I look forward to working with her and sana matuloy," ani Richard.

Nilinaw rin ni Sharon na wala pang opisyal na pahayag sa 'di umano ay muling paggawa niya ng pelikula kasama si Richard.

 

"There has been no official announcement yet and am just waiting for my bosses to call me. Wala pa po akong kinalaman dito! Pero it would be so wonderful to work with Richard again," sulat ni Sharon.

Salamat Coco

Samantala, update pa ni Goma, nagkakausap pa rin sila ni Coco Martin na nakatrabaho niya sa seryeng "Walang Hanggan."

Masaya si Goma sa narating ni Coco sa kanyang showbiz career.

"Nagtext-text kaming dalawa ni Coco. Nami-miss ko rin sila Coco. Kasi 'yung ginawa namin last na teleserye masaya ang samahan namin. I'm very happy now sa success ni Coco. I'd like to thank him for communicating with me kahit na matagal kami 'di nagkita," aniya.

Bagong advocacy ni Richard ang pagbibigay kaalaman ng kahalagahan ng CPR na mahalaga sa pagligtas ng buhay.

Goal din niya na matulungan ang mga kasamahan sa showbiz na laging stress at pagod sa trabaho.

"Number 1, 'yung mga kasama natin sa showbiz marunong sila mag-CPR. Second siguro with the help of the Department of Labor and Employment dapat mayroon tayo cut-off time. Very stressful kasi ang trabaho natin," ani Richard.

Tutok man si Richard ngayon bilang mayor ng Ormoc City, excited na ang showbiz sa kanyang pagbabalik serye at pelikula. May kasamang ulat ni Jeff Fernando, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.

CompanyProductFunctiontop keyword
Solomon 3dbin pickingai visionrobot vision
Pixx itbin pickingai visionrobot vision
Keyxxxxbin pickingai visionrobot vision
Visxxxbin pickingai visionrobot vision
Fuxxbin pickingai visionrobot vision
Muxxxbin pickingai visionrobot vision
Caxxxbin pickingai visionrobot vision

ai vision