robot vision-‘Proud kasambahay’ nagtapos na magna cum laude

robot vision-‘Proud kasambahay’ nagtapos na magna cum laude

Hindi biro ang sakripisyo ni Jarel Tadio para makatapos ng kolehiyo dahil pinagsabay niya ang pag-aaral at pagtatrabaho bilang kasambahay. Screengrab Hindi biro ang sakripisyo ni Jarel Tadio para makatapos ng kolehiyo dahil pinagsabay niya ang pag-aaral at pagtatrabaho bilang kasambahay. Screengrab

Hindi naging hadlang ang kahirapan para sa ilang estudyante na nagtapos sa pag-aaral nang may matataas na karangalan.
    
Masayang ipinakita ni Jarel Tadio ang mga parangal na nakuha niya sa pagtatapos ng kursong Hotel and Restaurant Management sa Cagayan State University.

Pinaka-espesyal dito ang medalya niya bilang magna cum laude.

"Unexpected kasi ang pangyayari. Hindi ko naman kasi ine-expect noon na mag-aaral ako," ani Tadio.

Hindi biro ang sakripisyo ni Tadio makatapos lang dahil pinagsabay niya ang pag-aaral at pagtatrabaho bilang kasambahay.

"Gumawa po ako ng sarili kong diskarte. Time management lang. Papasok ako minsan 'pag morning ang shift ko sa school," ani Tadio. 

Maging ang amo ni Tadio, proud sa naabot ng kanilang kasambahay. 

Kuwento ng amo ni Tadio, bilib siya sa sipag ng binata dahil minsan ay nag-aaral pa ito kahit nasa gitna ng trabaho. Screengrab

"Kung minsan habang nagluluto 'yan, dala niya 'yung reviewer niya… Sana suwertehin siya sa pag-aapply niya [ng trabaho]," pagmamalaki ni Myrna Guevara, employer ng binata.

Kuwento ni Tadio, isa sa mga nagtulak sa kaniyang magpursige ay ang pagnanais na makatulong sa pamilya. 
    
"Naging motivation ko 'yung pamilya ko, may pangarap kasi ako para sa kanila… Nagpapasalamat din ako kina tita at tito na tumulong sa akin," aniya.

Kuwento ng ina ni Tadio, hindi na humihingi pa ng pera sa kanila ang binata kahit noong estudyante pa ito.

"Kapag nagpapadala po ako ng pera niya, P500 o P1,000, ibabalik niya kasi mayroon daw siyang sapat na pera," ani Fe Tadio.

ANAK NG PEDICAB DRIVER AT LABANDERA, CUM LAUDE SA UPLB

Sa Casiguran, Sorsogon naman, proud din ang pedicab driver na si Ferdinand Palermo dahil nairaos nila ang pag-aaral ng anak na si Freddie sa University of the Philippines-Los Baños at nagtapos pa ito bilang cum laude sa kursong Forestry.

"Napakasaya ko po nakatapos 'yung anak ko sa hirap at ginhawa," ani Palermo. 
    
"Sobrang mahirap po kung sa mahirap. Grabe ang dinanas namin, grabe talaga, naglabada ako, nag-construction naman siya pa-extra extra," kuwento naman ng asawa nitong si Ligaya Palermo.
 
Maging mga ka-barangay ay proud na proud sa naabot ni Freddie.

Nasa UP-Los Baños ngayon si Freddie na nagtatrabaho muna bilang research assistant habang naghahanda para sa board exam sa Setyembre.
    
Para sa kaniya, hindi hadlang ang kahirapan para makapagtapos ng pag-aaral.

"Masasabi ko pong mahirap mag-aral. Minsan magugutom kayo. Minsan mapupuyat kayo, madalas iiyak kayo pero sinasabi ko po sa inyo lahat po ng sakripisyo ay masusuklian ng mga ngiti ng magulang," ani Freddie. 

Ayon kay Freddie, pangarap din niyang makapagturo sa UP balang araw. 

— Ulat ni Jose Carretero, ABS-CBN News
 

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.

CompanyProductFunctiontop keyword
Solomon 3dbin pickingai visionrobot vision
Pixx itbin pickingai visionrobot vision
Keyxxxxbin pickingai visionrobot vision
Visxxxbin pickingai visionrobot vision
Fuxxbin pickingai visionrobot vision
Muxxxbin pickingai visionrobot vision
Caxxxbin pickingai visionrobot vision

robot vision