bin picking-Malawakang screening para sa hepatitis B, inilunsad

bin picking-Malawakang screening para sa hepatitis B, inilunsad

Watch more in iWantv or TFC.tv

Inilunsad ang malawakang screening sa bansa para magkaroon ng datos kaugnay sa mga batang may sakit na hepatitis B.

Tatlong linggong mag-iikot ang mga kinatawang nars at medical technologist ng Field Epidemiology Training Program Alumni Foundation, Inc. (FETPAFI) para malaman ang bilang ng kabataang tinamaan ng nasabing sakit.

"Ang objective nito ay para malaman natin at para makagawa tayo ng mga programa kung gaano ka-effectvie ang ginawa nating pagbabakuna," ani Dr. Wilda Silva, immunization program manager ng Department of Health (DOH).

Pupuntahan ng grupo ng mga bahay na may mga batang edad 5 hanggang 6 na boluntaryong magpapakuha ng dugo. Lalabas ang resulta makalipas lamang ang 20-30 minuto.

Kung nagpositibo ang bata sa hepatitis B, bibigyan ng counseling ang mga magulang ng bata sa mga posibleng gawin para makontrol ang sakit.

Mayroong isang ginang na hindi nag-atubiling ipasailalim sa screening ang anak.

Aniya, mas makatitipid pa siya dahil libre lamang ang ginawang screening.

"Malaking bagay na rin 'yan kaysa gumastos kami," anang ginang.

Sa mga test clinic ay nagkakalahaga ang pagsusuri sa hepatitis B mula P800 hanggang P1,500.

Early detection

Paalala naman ng mga doktor, lalabas lamang ang mga sintomas ng hepatitis B kapag ito ay malala na kung kaya't mas mabisa pa ring maagang ma-detect ang sakit.

Ang hepatitis B ay isang uri ng nakahahawang sakit kung saan namamaga ang atay.

Kung napabayaan ay posibleng humantong sa liver cancer.

Posibleng makuha ang naturang sakit sa pamamagitan ng mother-to-child transmission at pakikipagtalik. Puwede rin mula sa exposure sa infected na dugo o bodily fluids.

Sa kasalukuyan ay wala pang lunas para sa sakit ngunit maaari itong makontrol kaya't layon din ng screening na mabigyan ng edukasyon ang mga magulang kaugnay sa sakit.

"Hepatitis B has a high burden as far as prevalence goes, there is immunization program but their coverage is not optimal enough as other countries," ani Dr. Achyut Shrestha ng World Health Organization (WHO).

Makatutulong ang pagbabakuna sa mga bata pagkasilang para maprotektahan sa naturang sakit. 

Kailangan din sundin ng mga magulang ang follow-up doses ng bakuna.

— Ulat ni Kori Quintos, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.

CompanyProductFunctiontop keyword
Solomon 3dbin pickingai visionrobot vision
Pixx itbin pickingai visionrobot vision
Keyxxxxbin pickingai visionrobot vision
Visxxxbin pickingai visionrobot vision
Fuxxbin pickingai visionrobot vision
Muxxxbin pickingai visionrobot vision
Caxxxbin pickingai visionrobot vision

bin picking